Ilang buwan pa at nagplano na tayong magpakasal. Di ko man sabihin, walang pagsidlan ang saya ko. Pero nang mismong araw ng kasal natin, nasangkot ako sa isang aksidente. Katawagan kita noon kaya di ko napansin ang matandang tatawid sana. Pinilit ko'ng umiwas, at dahil doon, ako ang nagbuwis ng buhay.